Sabi
ng iba, ang lahat ng bagay ay may katapusan tulad ng buhay ng tao, kagandahan
ng mukha at yaman ay nawawala, maihahalintulad ito sa kapaligiran, kung dati may
malinis at sariwang hangin, may malinis, mala-asul na dyamante at maiinom na
tubig, ngayon natural pa ba ang imahe ng ating paligid?
Ano
ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.
Napag-usapan
lang din naman natin ang paligid, tumungo tayo sa mga nangyayari dito, tulad ng
mga “phenomena”, nariyan ang “hailstorms” sa
panahon ng tag-init, malakas at walang tigil na buhos ng ulan tulad ng
Ondoy ika-26 ng Setyembre pati na rin ang Pepeng ilang araw lang matapos ang
halimaw na Ondoy noong nakaraang taon at El Ninong naranasan natin nitong Abril
at Mayo. Hindi ito gaya ng dating luma na may kaaya-aya at normal na klima.
Bukod
sa klima, isa pang problema ang mga sasakyang nag-iingayan, mga putol na puno,
at mga pabrikang naglalabas ng makakapal at maiitim na usok at nakalalasong
kemikal na tila bahaghari kung titingnan sa ilang ilog, lawa at iba pang anyo
ng tubig. Hindi pa pati mapigilan ang industriyalisasyon sa bansa lalo na sa
mga kalunsuran nito. Ito na ba ang nalalapit na pagguho ng mundo? Batay sa mga nangyayari
ngayon, ikaw na ang humusga.
Ano
ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.
Paano
muna ito nangyari sa mundo?
Tulad
ng taong nagmula sa unggoy, ang bansa at maging ang buong mundo ay patuloy pang
nasa ilalim ng ebolusyon. Ang mundo ay nagmula sa mapunong pook, datapwat dahil
sa ebolusyon, imbes na puno ang makikita sa paligid, pawing gusali at bakal na
mula sa pabrika ang makikita. Dati bihira lamang ang nagkakasakit ngunit ngayon
marami na ang namamatay dahil sa karamdaman na kung saan karaniwan ito sa mga
mahihirap na anak ni Juan.
Sino
ba ang dapat sisihin sa mga nangyaring bangungot? Ang lahat ng ito ay dahil sa
kapabayaan nating mga tao, dahil sa mala-bulag at bingi nating pamumuhay kaya
nangyari ito sa kahabag-habag nating tahanan. Walang habas na pinuputol ng mga
ilegal na magtrotroso ang mga naglalakihang mga puno, ang ilan, nag-aaksaya ng
pagkain at ang iba, nagtatapon ng basura kung saan-saan. Ito ilang mga dahilan
upang ang ating planeta ay magdamdam.
Ano
ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.
Ano
muna ang mangyayari kung hindi tayo agad aaksyon at kung magpapatuloy ang
masasamang bangungot na ito?
Una,
ang paglaganap ng paggamit ng sasakyang naglalabas ng carbon dioxide ay lubos
na masama. Ang usok (naglalaman ng carbon dioxide) na galing sa mga sasakyan ay
nakapagpapalala ng init ng klima sa planeta. Hinaharang ng “compound” na ito
ang init dahilan upang maipon ang ito rito.
Pangalawa, kung mas lalo pang lumaganap ang pagpapatayo
ng mga pabrika, lalong dudumi ang paligid, ilog, sapa, lawa at atmospera. Mas
lalong magkakasakit ang mga tao tulad ng pneumonia, hika, sipon at iba pang
sakit sa baga kung malanghap nila ang amoy mula sa maruruming tubig at hangin.
Pangatlo,
sa pagpapatuloy ng “deforestation,” mauubos ang mga puno na magiging dahilan
upang hindi maging sapat ang “oxygen” o malinis na hangin. Bukod pa rito, mawawalan
ng tirahan ang mga hayop dahilan upang maghanap sila ng matitirhan. Ang iba, sa
kalunsuran napapadpad tulad ng mga ahas na nakabubulabog sa mga naninirahan
doon. At para sa ibang hayop na hindi nakakita ng mapaglulugaran, malamang
kamatayan ang kanilang aabutin.
Pang-apat,
kung magpapatuloy ang El Nino o tag-araw at La Nina o tag-ulan, lalala ang
taggutom. Sa tag-araw, matutuyo ang lupa ng mga pananim at matutuyo ang mga
“dam” na naglalaman ng mga reserbang tubig. At sa tag-ulan, babaha, malulunod
ang mga pananim mawawasak ang mga establisyimento na makapagdudulot ng
bahagyang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Tunay
ngang ibang-iba na ito kumpara sa Perlas ng Silanganang sagana sa yamang likas
noong mga nakalipas na siglo.
O,
ito na, bago sa mga bagay na magagawa natin, may pag-asa pa bang masolusyonan
ang mga ito?
Oo
may solusyon pa, isang magandang halimbawa nito ang pag-aksyong maibalik sa
dati ang Ilog Pasig. Noong 1950’s, ito ay bantog dahil sa kagandahan at kalinisang
taglay ng tubig nito. Marami ang nalilgo, naglalaba at umaasa rito, ngunit ngayon
ano na ang nangyari? Amoy estero, maitim at walang buhay na Ilog Pasig ang
makikita natin. Puno na ito ng mga plastik, dumi ng tao at pawang mga “janitor
fish” na lamang ang nabubuhay sa ilog na ito, tanda ng isang “phenomena” ang pagkasira
ng “ecological balance” sa mundo.
Oo nga at gumagawa na ng paraan ang mga Non
Government Officials (NGO) ukol sa isyung ito ngunit kulang pa rin ito sapagkat
iilan lamang sila para sa napakahabang ilog.
Bukod
sa Ilog Pasig, may iba pang pinoprotektahan ang ilan sa ating mga Pilipino.
Pinoprotektahan nila ang mga kagubatan at “endangered species”. Sa mga hayop,
ipinadadala sila sa mga zoo upang magkaroon sila ng makakain nang sapat at
kapabor-pabor na tirahan. At para naman sa mga kagubatan, ang gobyerno ay
nagtatalaga ng ilang tao upang magbantay sa mga puno at manghuli sa sinumang magbabalak
na putulin ang alinmang puno’t halaman.
Marami
ring aksyong isinasagawa ang iba pang tao at organisasyon sa mundo, mga
organisasyong tulad ng Greenpeace, WWF at mga midya mula sa iba’t ibang
istasyon.
THIS
IS IT!
Ano
ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati?
MAY
MAGAGAWA TAYO! Para sa mga estudyanteng tulad natin simple lamang ang
kinakailangan upang makatulong tayo sa paligid. Hindi na natin kailangan pang
gumawa ng mga proyektong makatutulong sa kapaligiran o gumastos ng napakalaking
halaga upang makabawas ng sulianing kapaligiran. Sa mga simpleng aksyon, lubos
na tayong makatutulong sa ating kapaligiran. Ito ang ilan sa mga halimbawa
tungkol sa aking sinabi:
Kung
dati, binabalewala lang ang pagkonsumo ng kuryente ngayon hindi na, dahil
nakababahala na ang paggamit ng mga “fossil fuels” sa pagpoprodyus ng kuryente
dahil ito ang mas lalong sumisira sa “ozone layer” sa atmospera ng mundo.
Nararapat na magtipid tayo, magagawa natin ito sa pamamagitan ng una, patayin
ang mga ilaw sa inyong bahay kapag hindi naman kailangan o kung aalis ka sa kahit
na sandaling oras. Huwag ring kalimutang patayin ang ilaw matapos itong
gamitin. Pangalawa, huwag hayaang nakasaksak ang inyong telebisyon sa outlet,
dahil kahit hindi nakabukas ang TV, kumukonsumo pa rin ito ng kuryente.
Pangatlo, patayin ang mga iba pang kagamitan tulad ng kompyuter, bentilador at
iba pa kung hindi naman ginagamit. At, sa halip na gumamit ng “incandescent
bulb” gumamit na lamang ng “fluorescent light”.
Meron
pa.
Hindi
lamang sa elektrisidad tayo magbigay ng konsentrasyon, pati na rin sa tubig,
tulad ng sa kuryente huwag din natin hayaang iwanan ang mga gripong bukas, ika
nga nila, “every drop counts”, kaya sa panahon ngayon dapat na tayong magtipid.
Kung sira man ang gripo, yung tipong sarado na ngunit tumutulo pa, palitan na
lamang ito kaysa sa pagkakaaksaya ng tubig na hindi naman napapakinabangan.
Bilang
karagdagan, magkaroon tayo ng disiplina sa pagtatapon ng basura, SAY NO TO
FOGGING at magtipid ng mga bagay na dumaraan sa ating mga mesa.
Iilan
lamang ito sa mga magagawa natin sa kapaligiran. Kailangan lamang natin ng
disiplina at pagiging matipid sa enerhiya.
Ayos,
hindi ba? Hindi ka lamang makatutulong sa kapaligiran, nakatipid ka pa. Kaya
dapat kumilos na tayong lahat, lalo na ang mga kabataang tulad natin, na
naturingan ni Pepe bilang pag-asa ng bayan.
Yano
lamang ang mga bagay na ito. Kahit sinuman sa atin ay may kayang makatulong kay
Inang Kalikasan. Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat. Huwag nating patayin
ang iisang lugar na bumubuhay sa atin. Huwag nating hayaang matalo tayo ng
bangungot na sinasabi ng mga syentipiko. Lumaban tayo, dahil sa bawat kilos na
ating gagawin para sa mundo ay siya namang pagbawas ng tsansa ng mabilis na
pagwasak ng ating nag-iisang bahay sa sanlibutan.
O
anong gusto mo? Dating luma o ngayong bago? Pag-isipan mong maigi.