Tuesday, November 3, 2015

Ano ba ang RH Bill para kay Juan at dela Cruz?


Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas kung saan pinalalawig ang reproductive health services kasama ang artificial contraception, birth control rate at IUDs.

Halos 10 taon na ang nakalilipas nang simulang talakayin ang walang kamatayang Reproductive Health Bill. Hanggang ngayon, sa madebateng usapan pa rin ito nakalatag dahil sa walang katapusang bangayan sa pagitan ng Catholics Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at ng mga politikong sumusuporta rito.

Masigasig at patuloy na binubuhay ito ng mga senador at kongresista kasama na si Congressman Edcel Lagman ng Albay. Isa siya sa mga may naiibang bersyon ng RH Bill na kinilala bilang House Bill 96. May anim pa itong ibang bersyon tulad ng Senate Bill 2378 ni Miriam Defensor-Santiago

Ano ba ang totoong layunin ng panukalang batas?

Para sa mga pro sa panukalang batas, ang layunin nito ay ang mga sumusunod:

Bumaba ang bilang ng populasyon ng bansa na nagiging sanhi ng pagkasalat sa yamang likas, mabilis na pagkaubos ng pagkain dahil sa laki ng demand at pagkaubos ng lupang mapagtataniman bunga ng urbanisasyon.

Iiwas sa sakit tulad ng HIV ang mga Pilipino lalo na ang kabataan sa pamamagitan ng seminars na nagtuturo kung anu-ano ang mga paraan upang maiwasan ang temptasyon o pagkilala sa health background ng kinakasama.

Lusutan ang problemang maagang pagkabuntis sa pamamagitan ng pagtuturo ng sex education kung saan ipaaalam kung anu-ano ang masasamang dulot ng teenage pregnancies at pagpapalawig ng kaalaman ukol sa malaking responsibilidad ng isang magulang sa anak habang bata pa.

Lupigin ang pagdami ng mga namamatay na kababaihan dahil sa pagbubuntis.

Sa kabilang dako, maraming tumutuligsa rito. Nariyan ang CBCP at ang Prolife Philippines Foundation. Ayon sa kanila, ang paglaki ng populasyon ay walang kahit na anumang kinalaman sa kahirapan ng bansa. Ang tanging nagbabaon sa bansa sa lupa ay ang paglaganap ng korapsyon sa Pilipinas. Kung wala daw mga buwayang mapaglustay at nagpapakasasa sa araw-araw na lechon sa hapag, hindi masasadlak sa dusa ang mahihirap nating kababayan.

Dagdag pa nila, malaking bentahe ang paglaki ng populasyon sa ekonomiya ng bansa. Tataas ang lakas paggawa, lalaki ang bilang ng mga produktibong mamamayan at hindi tataas ang dependency ratio. Kaya kung naghahanap ng dapat sisihin ang gobyerno at mga mamamayan sa paglaganap ng kahirapan, iyon ay ang korapsyon at hindi ang pagtaas ng populasyon.

Ayon pa sa National Demographic and Health Survey noong 2008, 44% ng mga nanganganak ang nairaraos sa panganganak at 62% ng nagsisilang ng sanggol ang may kasamang doktor o kumadrona. Kung ito ang sitwasyon malayong solusyon ang contraceptives at IUD para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Ang dalawang panig ay may kani-kanyang mga punto. Pero sana naman ay alalahanin nila ang sitwayon ng ating mga mamamayan lalo na ang mga estudyante. Ang mga mag-aaral ang pinakamaaapektuhan ng RH Bill sapagkat lalo lamang maliligaw ang kanilang landas sa kung anong panig pa lamang ang kanilang lulugaran. Oo, tama na magkaroon ng Sex Education sa paaralan ngunit hindi naman ito para turuan ang mga estudyante ng Sex Drive at kung anu-ano ang mga posisyon na dapat gawin tuwing nakikipagtalik. Tama rin naman ang CBCP sa puntong imoral ang aborsyon dahil labag ito sa batas ng Diyos at kasuklam-suklam tingnan ang pagpatay sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol sa sinapupunan.

Bakit hindi na lang kaya intindihin ng CBCP at ilang pang anti RH Bill na ang populasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit laganap ang gutom sa bayan ni Juan dela Cruz? Alam naman natin na sadyang mahirap hagilapin ang mga buwayang nagtatago sa ilalim ng tubig na pagkalabu-labo dahil sa putik at napakamakapangyarihan ng mga buwayang ito. Kaya para naman mabawasan, pahintulutan naman nila ang Sex Education para sa mga mag-aaral nang malaman nila at lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mababang populasyon sa pagkonsumo ng mga pagkain at iba pang likas yaman.

Para naman sa mga Pro RH Bill, alisin na ang usapin sa mga contraceptives at aborsyon, nagpapatagal na lang ito sa debateng hindi mamatay-matay. Bakit hindi na lang makipagsundo sa CBCP dili kaya’y makipagdayalogo nang walang pagtatalo upang magkaintindihan.

Sa tingin ko payak lang naman ang solusyon sa kontrobersyang ito. Walang aborsyon pero may sex education at walang contraception pero may family planning. Magkaroon din ng disiplina sa kung ilan ang magiging anak. Isaisip ang kaangkupan ng kinikitang pera ng mag-anak sa laki bubuoing pamilya Dito walang nang imoral na kilos at hindi pa problema ang paglobo ng populasyon. Pabor ito sa simbahan, pabor din ito sa mga sang-ayon sa RH Bill

Tama na ang pagalingan at pataasan ng pride. Tama na ang payabangan at patalinuhan. Imbes na mawala ang kahirapan sa bansa ay lalo ninyo lamang idinudusta at itinutulak ang putikang bansa sa putikan.

Sunday, November 1, 2015

A Big NO to Kiko’s RA 9344


Law makers have been debating about youth imprisonment with ages 15-10. This is after Senator Francis “Chiz” Escudero gave birth to a revise penal code of Senator Francis “Kiko” Pangilinan’s Republic Act (RA) 9344 or Juvenile Justice Welfare Act of 2006. Under Pangilinan’s penal code, ages 15-10 cannot be imprisoned after committing a crime. They will just be given a disciplinary action together with their parents from their barangays then they will be discharged. And people with ages 16-18 will not be jailed if and only if they performed a particular crime without discernment.
A brainchild and useless law is what Pangilinan created. This is somewhat a junk and not necessary by sound minded citizens. The law aims to prevent accused minors who went against the law from getting jailed. They are not obliged to be punished for they do not know what they are doing. But these are not enough reasons to let the law stay. As a matter of fact, it is a big mistake, especially the one which is mentioned by the senator that the age of complete mental development happens at 21.
The mental development age which happens at 21 does not have something to do with how youth think nowadays. At the age of 10, an individual already knows the difference between right and wrong. Oftentimes, when a young adult commits a mistake, he usually hides what he did to his parents for he is afraid to be scolded or punished.
It seems that the senator underestimates the abilities of youth in terms of mental abilities. Perhaps, when he was young, he didn’t know the differences between right and wrong.
According to Philippine National Police (PNP), hold upping is the most frequent case of youth in Metro Manila. In 2006, there are only 846 cases but in 2010, it climbs up to 50% or 1631 cases.
Batang Hamog is one of the best examples on why not to implement the proposed law. Batang Hamog has been one of the most talked groups on televisions. Batang Hamog is a group of youth ages 10-16 who once forced to open the taxi’s doors and stole money from drivers along Guadalupe in Makati. If ever that they are being used by a syndicate, and they are captured by the police, what will happen to them if the bill has been executed? First, after these people faced a disciplinary action, they will be discharged immediately. The young adults will be entrusted to their parents and have an advice on letting their sons not to do the crime again. And second, because of irresponsible parents (if ever), the group may do a crime again. And if the syndicate gets the news about the discharging of Batang Hamog, they may be used again in dispersing fright along highways.
Batang Hamog is not the only youth involved in crimes. A boy, 16 stole a motorcycle in front of a police station. Another is an incident happened I SM Pampanga, where the killer himself committed a suicide after the planned killing of his girlfriend.
Implementing RA 9344 is the same as letting number of crimes to increase in rate. Most of syndicates will be persuaded to use youth as drug couriers. Syndicates think that the children will not be put behind bars even though they continuously use them badly.
Bring back the previous law saying that children below are only exempted of being jailed. Say no to Kiko’s RA 9344 and support Francis “Chiz” Escudero in fighting for reinstating the last system’s basis on whom to jail or not.

Saturday, October 31, 2015

Key to Change


Benigno “Noynoy” Aquino III’s speech on June 30, 2010 was a historic day for all Filipinos. It was the day when Juan dela Cruz had a new administration, and a new hope on letting him to stand up from being buried.
People can’t deny it; Noynoy’s parents contributed a lot to accomplish Jose Rizal’s dream for the country ------ freedom. Benigno “Ninoy” Aquino offered his life to fight against Ferdinand Marcos’ dictatorship. Corazon “Cory” Aquino continued her husband’s legacy. Cory succeeded in achieving a democratic and peaceful country and created a new constitution in which Ramos, Estrada and Arroyo used as basis in leading the government.
But, what can Noynoy Aquino do? Will there really be a reform in the 15th Congress? Or will it just be the same as in previous administrations? Despite of all criticisms and questionable works of P-Noy when he was in the senate, he would continue to maintain Philippines’ democracy in his fullest potential, ensure the equality for all and do again what his parents did if necessary.
As of now, many Filipinos are suffering from poverty. Filipinos are hoping that every word in his speech is true and that every word in his speech will happen. Juan is numb due to broken promises of some politicians in the 14th Congress. For those who will intend to abuse and take for granted Juan, stop acting like a saint; instead work as a saint. Juan is waiting for a change, a change in handling the government.
Here are some of the points he mentioned in his inaugural speech, “During the campaign we said, if no one is corrupt, no one will be poor. That is no mere slogan for posters — it is the defining principle that will serve as the foundation of our administration. Our foremost duty is to lift the nation from poverty through honest and effective governance.” Another is although he came from a wealthy family, he knows and feels the worries of ordinary and poor citizens, he knows how deaf and blind the justice is to poor people and he knows why people migrate to other countries just to work for the sake of their families.
Every Filipino hoped that P-Noy would be able to fulfill all the things he mentioned in his inaugural speech. It was good that he already prohibited the use of sirens among cars, but it would be better if he continued implementing orders and laws like this that can eliminate traffic in the country, not only about traffic but also in politics.
Furthermore, a president couldn’t accomplish his goals all by himself. Everyone should act. Do not just sit and wait; instead cooperate and support the laws he passes if they are really for the benefit of the country. Let us work together to eradicate social cancer ------- corruption in the government.


No Uniform Policy, Nararapat nga ba?


Hindi na sapilitang pinasusuot ng uniporme ang mga mag-aaral sa pampublikong elementarya at sekondarya ayon sa bisa ng DepEd Order No. 65 noong Mayo 19, 2010. Ang mga mag-aaral na mayroon ng unipormeng magagamit ay maaaring magsuot nito ngunit kung sadyang hikahos at walang ipambili ay maaaring magsibilyan na lamang.
Sa punto ng DepEd, malaking tulong ito sa mga magulang na dumaranas ng dagdag pahirap tuwing bibili ng bagong uniporme para sa anak. Bukod sa makakatipid sa pagbili ng mga gamit pang-eskwela tulad ng sapatos at uniporme, mas malaki ang pagkakataon ng bawat maralitang kabataan na makapag-aral.
Samantala, hindi katanggap-tanggap ang pagsuot ng sibilyan sa pagpasok sa klase kaysa magsuot ng uniporme.

Una kasi, pangit tingnan kapag marami sa kabataang Pilipino ang pumapasok na hindi pare-pareho ang suot. Ang iba’y nakasuot ng pula, asul, berde, puti at itim kung saan tila hindi organisado at walang pagkakaisa ang bawat estudyante.
Pangalawa, ang kautusang ito ay banta sa seguridad ng mga mag-aaral. Hindi madaling makilala ang mga lehitimo at di lehitimong mag-aaral na pumapasok. Maaaring ang iba’y pumapasok lamang upang manggulo, magnakaw ng mahahalagang gamit tulad ng cellphone at pera o di kaya’y makapagsamantala.
Pangatlo, madali ng makapaglalakwatsa ang mga tamad na mag-aaral at makapaglalaro ng kompyuter sa labas ng paaralan. Ang mga gwardya ng internet cafe at mall na nagbabawal na magpapasok ng mga estudyanteng maglalaro lamang at maglilibot ay magugulumihanan sa mga mag-aaral na nakasibilyan sapagkat hindi nila alam kung dapat ba silang nasa paaralan o hindi.
Pang-apat, magiging mas kaawa-awa ang mga walang pambili ng uniporme. Lalaki ang distansya sa pagitan ng mayaman at mahirap. Magkakaroon ng diskriminasyon sa mga kapuspalad dahil kung maisasakatuparan ang kautusan, mahirap na ang turing sa mag-aaral na sibilyan o pambahay ang suot sa pagpasok sa paaralan.
Panglima, nakapagpapababa ito ng moralidad ng bawat mag-aaral. Wala na silang susunding alituntunin sa paaralan tulad ng pagsusuot ng uniporme at sapatos araw-araw. Hindi na nila malalaman ang kahalagahan ng isang organisado eskwelahan at unipormadong estudyante at hindi na rin sila masasanay na sumunod ng batas ng paaralan.
Ang pagpapatupad ng No Uniform Policy ng DepEd ay tunay na may magandang hangarin upang matulungan ang mga kapuspalad na mga magulang at mag-aaral na makatipid sa pagbili ng uniporme subalit higit ang negatibong epekto nito sa moralidad at seguridad ng  mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. Ang No Uniform Policy ay hindi na nararapat magpatuloy.

Friday, October 30, 2015

Mamamahayag na kabataang Pilipino, susi sa pagbabago


Malaki ang salik ng mga batang mamamahayag sa panlipunang pagbabago. Sila ang pinto tungo sa kaliwanagan ng isip ng kapwa mag-aaral sa mga napapanahong isyu na nangyayari sa bansa at maging sa buong mundo. Ginigising ng campus journalists ang diwang makabansa ni Juan dela Cruz, sa pamamagitan ng pagbubunyag ng anumang suliraning kinakaharap ng bansa tulad ng pagdami ng mapagsamantalang buwaya, human trafficking at maging pagkalat na tila sakit ng kahirapan sa bansa.
Unang panahon pa lamang, pamamahayag na ang isa sa mga sandata ng ating mga bayani upang iusbong ang diwang makabansa ng mga Pilipino. Ginamit ito partikular nina Dr. Jose P. Rizal, Emilio Jacinto at ni Apolinario Mabini para ipatanto sa unang Pilipino at sa mga indiyo na sila lamang ang may karapatang mamahala sa Perlas ng Silanganan. Ginamit ng ating mga bayani ang pluma bilang armas laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at hindi makatarungang pagtrato ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Ang pluma ay tunay ngang epektibo sa pagputol ng kadenang bumihag kay Juan ng halos 300 taon.
Sa ngayon, patuloy na namamayagpag ang pamamahayag sa mundo lalo na sa ating bansa. Marami nang kontribusyon ang naibigay ng campus journalism sa bawat paaralan partikular na sa sekondarya. Karaniwan sa mga ito ay una, kung ang isang mambabasang estudyante’y may nais matanto tungkol sa napapanahong isyu, sa seksyon ng balita, siya ay makokontento. Pangalawa kung may nais makabatid kung ano ang maaari niyang gawin upang makatulong sa mga suliranin sa bansa, sa pahinang pangulong tudling tiyak na bawat katanunga’y sasagutin. At pangatlo, kung nais ng isang mag-aaral na makapaglibang, maaaring tumungo sa pahinang isports at lathalain, doon tiyak na bawat isa’y mahuhumaling. Kagyat na natin makikita ang mga ninanais malaman sa yanong paraan -- sa pamamagitan lang ng pagsulyap sa dyaryo. Ito ang kadalasang pangangailangan ng ilang mga Pilipino kung may gusto silang malaman sa mga nangyayari sa paligid.
Ngayon mas espesyal na ang gampanin ng campus journalism sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Ayon sa dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jesli Lapus, mayroong kapangyarihan sa pluma. Pinili nilang maging salik sa kanilang adbokasiyang panlipunang pagbabago ang mga batang manunulat sapagkat una, alam nila kung paano palakasin pa ang kapangyarihan ng komunikasyon. Pangalawa, mas malapit sila sa kapwa kabataang pag-asa ng bayan na silang maaaring magpapatakbo ng pamahalaan sa susunod na henerasyon. At pangatlo, tiwala ang Kagawaran ng Edukasyon na maisasakatuparan ang Millenium Development Goals (MDG) ng United Nations (UN) tulad ng pagwaksi sa kahirapan at katiwalian.
Kung nasolusyunan ng ating mga bayani na magkaroon ng reporma sa pamahalaan at matamo ang kalayaan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol at mula sa pagiging bulag at taingang kawali noon ng mga Pilipino, ay napausbong ang katapangan at damdaming makabansa sa pamamagitan ng pagsusulat, hindi imposible sa ngayon na magiging epektibo ito upang makamtan ang MDG’s. Sa simpleng pagsusulat, naipapahayag na natin ang mga nais nating maging aksyon ng kapwa Pilipino at maging sa pamahalaan. Mahihikayat din nating suportahan ng ating kamag-aral pati mga guro na magsulat upang ibunyag ang mga kapakinabangan ng MDG’s. Sa pamamagitan kasi ng mga ito, maisasakatuparan ang layunin ng UN at magkakaroon na rin sa wakas ng kabawasan sa mga problemang kakaharapin ng bawat bansang nasa ilalim ng UN pagdating ng taong 2015. Pluma ng bawat Pilipino, tunay ngang susi sa pagbabago.

Wednesday, October 28, 2015

Kawawang Juan dela Cruz, nasasalat sa pag-ibig


Ang sambayanang Pilipinas ngayon ay nagdurusa. Ang hostage crisis noong Agosto 23, 2010, ang paghihirap ng masa sa gutom at ang Jueteng Payola na ngayo’y bukambibig ng mga Pinoy ay ilan sa mga patunay na salat nga ang mga Pilipino sa pagmamahal mula sa nakatataas sa gobyerno. Naging salat sa paraang nasaan ba ang halimbawa ang pangulo sa mga araw na naghihinagpis si Juan.
Ngayong taon, isang tuwid na daan ang ating ninais. Pinili natin si Noynoy Aquino bilang ating ika-15 pangulo. Ngunit sa daang tuwid na ating napili, may pagmamahal ba tayong nadama? Wala. Wala na bang mga buwaya sa bayan at nakaramdam ba tayo ng ganap na demokrasya? Hindi, ito ay mga ilusyon lamang. Walang init na bumalot sa nanginginig na katawan ng mga Pilipino dahil sa takot tulad noong kasagsagan ng Hostage Drama ni Rolando Mendoza. Wala ang pangulo sa pinangyarihan ng hostage crisis. Maging ang mga dayuhan ay hindi naging ligtas sa manhid na pamamahala ni PNoy. Walang pangulo ang nagpakita upang hawakan at hagkan ang mga nanginginig at naghihikahos sa takot na mga Hong Kong Nationals. Napakasakit isipin na ang pangulong ating pinagkatiwalaan at iniluklok sa trono ay pagiging manhid at insensitibo lamang ang ibabayad sa atin.
Isang buwan pa lamang ang nakalilipas, heto naman si Jueteng. Dahil sa kwestiyonable ang ilang sagot ni Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno sa Senate hearing nitong Setyembre 22, masasabing nasubukan nga ang pagmamahal ni PNoy sa sambayanan. Kahit pa best friends forever si Usec. sa mga Jueteng operators. Todo tanggi si PNoy sa mga pangalang ibinunyag ni Arsobispo Oscar Cruz. Aniya hinding-hindi magagawa iyon ni Puno, kaya hindi masolu-solusyunan ang Jueteng payola. Mistulang binebeybi ng pangulo ang napili nitong gabinete kahit pa may nagawa umano na itong labis na nagpapakapos at bumubutas ng bulsa ng masa.
Sa kabila ng mga kontobersyang ito, marapat na patunayan niyang dapat nga siyang iluklok sa pwesto. Huwag niyang sayangin ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Juan. Patunayan niyang isang matuwid ngang daan ang landas na tinatahak ng mga Pilipino ngayon na may punung-puno ng pagmamahal sa mga hikahos. Harinawa’y hindi na maulit ang ganitong nakaaasar na pagkilos ng presidente. Sana sa susunod umaksyon siya bilang pangulo hindi isang panggulo. 

More Production of RICE can make Philippine Economy RISE





A lot of Filipinos are suffering. There is an extent of prostitution, human trafficking, squatters, corrupt politicians, lack of police and poverty in the country. But there is worse problem that gradually kills us. The agricultural products of ours are not enough which may be one of the reasons why most Filipinos particularly in Metro Manila are suffering from hunger.

One out of four Filipinos suffers from hunger according to the research conducted by the Department of Agriculture. Meaning, about 75% of country’s population can eat three times a day. It is alarming since products like rice are inadequate to feed 25% more of people in the country.
According to the data, rice production in the country is not enough. It is caused by the El Niño that we experienced in the previous months. Rice plantations were greatly dried which caused us to import rice from nearby countries such as in Vietnam. It is humiliating to think that once we taught Vietnam varied ways to improve and increase rice production, which caused them to be successful in rice exportation and it is timid to say that we were one of the first rice exporting countries in Asia but now, Philippines is one of the countries that face rice crisis.
We are able to survive the crisis because we depend on rice importation. Millions of pesos are given to other countries every time we face El Niño or La Niña. Unfortunately, some products we import are just being wasted because some of vegetables and rice are destroyed due to pests and improper care. Sometimes due to excess amount of rice we get, they are just stocked in warehouses. As a result, thousands or even a million of pesos seems to be bubbles that disappear on air.
In order to get rid of the problem, we need to be resourceful and thrifty on foods being served on our tables. Do not waste them. As much as possible, avoid food leftovers on our plates since in a country having a big population, every gram of rice wasted by a person is the same as desolating tons of rice grains in a day.
Another is to say no to industrialization. A lot of lands are used to build factories and buildings instead of planting crops. There will be more chance for the country to have food shortage and there will be more spaces for factories which emit harmful air pollutants and fewer spaces for the solutions of rice crisis if industrialization continues to spread.
Say yes to Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). It can help our farmers to alter their economic status. The lands where they plant rice will be given to them for free. Their hard work will be reasonable. They will not have any share from the money they earn. They will be urged to plant more rice. As they plant rice with urgency, there will be more production of rice. As they produce more, the more they can provide us foods to eat. It will minimize hunger. It will be possible for us Filipinos to export instead to import products. We will be independent. As we not import products from other countries, our economic status will change, because of more rice, the economy will rise.
It is good that some of us thought some alternative ways to solve the crisis. In Mindanao for example, some farmers do not really intend to plant rice anymore, they only plant corn. Corns are easier to be taken care. They do not need too much water to make them survive. They only need usual amount of water we use in gardens. Corns are then to be eaten by them as substitute to rice. They eat these corns sometimes with viand.
Some of us are being westernized. As a substitute of rice, some just eat bread. Some use to spread breads with viands such as adobo, afritada and even pinakbet they tried.
These are some of the alternative solutions every time we face food shortage.
It is difficult to solve crises like what we are facing now especially that we experience now La Niña. I know that our government is doing their best to materialize Noynoy Aquino’s objective which is “Tuwid na Daan”. President Noynoy concentrates in good governance and in getting rid of corrupt officials to accomplish one of the Millennium Development Goals (MDGs) by 2015 which is eradicating poverty but giving attention to Philippine agriculture can be a solution to not only to economic crisis but also to the becoming worse poverty in the country.

Tuesday, October 27, 2015

Dating Luma o Ngayong Bago?



Tingnan mo ang paligid.

Sabi ng iba, ang lahat ng bagay ay may katapusan tulad ng buhay ng tao, kagandahan ng mukha at yaman ay nawawala, maihahalintulad ito sa kapaligiran, kung dati may malinis at sariwang hangin, may malinis, mala-asul na dyamante at maiinom na tubig, ngayon natural pa ba ang imahe ng ating paligid?

Ano ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.

Napag-usapan lang din naman natin ang paligid, tumungo tayo sa mga nangyayari dito, tulad ng mga “phenomena”, nariyan ang “hailstorms” sa  panahon ng tag-init, malakas at walang tigil na buhos ng ulan tulad ng Ondoy ika-26 ng Setyembre pati na rin ang Pepeng ilang araw lang matapos ang halimaw na Ondoy noong nakaraang taon at El Ninong naranasan natin nitong Abril at Mayo. Hindi ito gaya ng dating luma na may kaaya-aya at normal na klima.

Bukod sa klima, isa pang problema ang mga sasakyang nag-iingayan, mga putol na puno, at mga pabrikang naglalabas ng makakapal at maiitim na usok at nakalalasong kemikal na tila bahaghari kung titingnan sa ilang ilog, lawa at iba pang anyo ng tubig. Hindi pa pati mapigilan ang industriyalisasyon sa bansa lalo na sa mga kalunsuran nito. Ito na ba ang nalalapit na pagguho ng mundo? Batay sa mga nangyayari ngayon, ikaw na ang humusga.

Ano ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.

Paano muna ito nangyari sa mundo?

Tulad ng taong nagmula sa unggoy, ang bansa at maging ang buong mundo ay patuloy pang nasa ilalim ng ebolusyon. Ang mundo ay nagmula sa mapunong pook, datapwat dahil sa ebolusyon, imbes na puno ang makikita sa paligid, pawing gusali at bakal na mula sa pabrika ang makikita. Dati bihira lamang ang nagkakasakit ngunit ngayon marami na ang namamatay dahil sa karamdaman na kung saan karaniwan ito sa mga mahihirap na anak ni Juan.

Sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyaring bangungot? Ang lahat ng ito ay dahil sa kapabayaan nating mga tao, dahil sa mala-bulag at bingi nating pamumuhay kaya nangyari ito sa kahabag-habag nating tahanan. Walang habas na pinuputol ng mga ilegal na magtrotroso ang mga naglalakihang mga puno, ang ilan, nag-aaksaya ng pagkain at ang iba, nagtatapon ng basura kung saan-saan. Ito ilang mga dahilan upang ang ating planeta ay magdamdam.

Ano ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati? Teka muna.

Ano muna ang mangyayari kung hindi tayo agad aaksyon at kung magpapatuloy ang masasamang bangungot na ito?

Una, ang paglaganap ng paggamit ng sasakyang naglalabas ng carbon dioxide ay lubos na masama. Ang usok (naglalaman ng carbon dioxide) na galing sa mga sasakyan ay nakapagpapalala ng init ng klima sa planeta. Hinaharang ng “compound” na ito ang init dahilan upang maipon ang ito rito.

Pangalawa, kung mas lalo pang lumaganap ang pagpapatayo ng mga pabrika, lalong dudumi ang paligid, ilog, sapa, lawa at atmospera. Mas lalong magkakasakit ang mga tao tulad ng pneumonia, hika, sipon at iba pang sakit sa baga kung malanghap nila ang amoy mula sa maruruming tubig at hangin.

Pangatlo, sa pagpapatuloy ng “deforestation,” mauubos ang mga puno na magiging dahilan upang hindi maging sapat ang “oxygen” o malinis na hangin. Bukod pa rito, mawawalan ng tirahan ang mga hayop dahilan upang maghanap sila ng matitirhan. Ang iba, sa kalunsuran napapadpad tulad ng mga ahas na nakabubulabog sa mga naninirahan doon. At para sa ibang hayop na hindi nakakita ng mapaglulugaran, malamang kamatayan ang kanilang aabutin.

Pang-apat, kung magpapatuloy ang El Nino o tag-araw at La Nina o tag-ulan, lalala ang taggutom. Sa tag-araw, matutuyo ang lupa ng mga pananim at matutuyo ang mga “dam” na naglalaman ng mga reserbang tubig. At sa tag-ulan, babaha, malulunod ang mga pananim mawawasak ang mga establisyimento na makapagdudulot ng bahagyang epekto sa ekonomiya ng bansa.

Tunay ngang ibang-iba na ito kumpara sa Perlas ng Silanganang sagana sa yamang likas noong mga nakalipas na siglo.

O, ito na, bago sa mga bagay na magagawa natin, may pag-asa pa bang masolusyonan ang mga ito?

Oo may solusyon pa, isang magandang halimbawa nito ang pag-aksyong maibalik sa dati ang Ilog Pasig. Noong 1950’s, ito ay bantog dahil sa kagandahan at kalinisang taglay ng tubig nito. Marami ang nalilgo, naglalaba at umaasa rito, ngunit ngayon ano na ang nangyari? Amoy estero, maitim at walang buhay na Ilog Pasig ang makikita natin. Puno na ito ng mga plastik, dumi ng tao at pawang mga “janitor fish” na lamang ang nabubuhay sa ilog na ito, tanda ng isang “phenomena” ang pagkasira ng “ecological balance” sa mundo. 

Oo nga at gumagawa na ng paraan ang mga Non Government Officials (NGO) ukol sa isyung ito ngunit kulang pa rin ito sapagkat iilan lamang sila para sa napakahabang ilog.
Bukod sa Ilog Pasig, may iba pang pinoprotektahan ang ilan sa ating mga Pilipino. Pinoprotektahan nila ang mga kagubatan at “endangered species”. Sa mga hayop, ipinadadala sila sa mga zoo upang magkaroon sila ng makakain nang sapat at kapabor-pabor na tirahan. At para naman sa mga kagubatan, ang gobyerno ay nagtatalaga ng ilang tao upang magbantay sa mga puno at manghuli sa sinumang magbabalak na putulin ang alinmang puno’t halaman.

Marami ring aksyong isinasagawa ang iba pang tao at organisasyon sa mundo, mga organisasyong tulad ng Greenpeace, WWF at mga midya mula sa iba’t ibang istasyon.

THIS IS IT!

Ano ba ang magagawa natin upang maibalik ang dati?
MAY MAGAGAWA TAYO! Para sa mga estudyanteng tulad natin simple lamang ang kinakailangan upang makatulong tayo sa paligid. Hindi na natin kailangan pang gumawa ng mga proyektong makatutulong sa kapaligiran o gumastos ng napakalaking halaga upang makabawas ng sulianing kapaligiran. Sa mga simpleng aksyon, lubos na tayong makatutulong sa ating kapaligiran. Ito ang ilan sa mga halimbawa tungkol sa aking sinabi:

Kung dati, binabalewala lang ang pagkonsumo ng kuryente ngayon hindi na, dahil nakababahala na ang paggamit ng mga “fossil fuels” sa pagpoprodyus ng kuryente dahil ito ang mas lalong sumisira sa “ozone layer” sa atmospera ng mundo. Nararapat na magtipid tayo, magagawa natin ito sa pamamagitan ng una, patayin ang mga ilaw sa inyong bahay kapag hindi naman kailangan o kung aalis ka sa kahit na sandaling oras. Huwag ring kalimutang patayin ang ilaw matapos itong gamitin. Pangalawa, huwag hayaang nakasaksak ang inyong telebisyon sa outlet, dahil kahit hindi nakabukas ang TV, kumukonsumo pa rin ito ng kuryente. Pangatlo, patayin ang mga iba pang kagamitan tulad ng kompyuter, bentilador at iba pa kung hindi naman ginagamit. At, sa halip na gumamit ng “incandescent bulb” gumamit na lamang ng “fluorescent light”.

Meron pa.

Hindi lamang sa elektrisidad tayo magbigay ng konsentrasyon, pati na rin sa tubig, tulad ng sa kuryente huwag din natin hayaang iwanan ang mga gripong bukas, ika nga nila, “every drop counts”, kaya sa panahon ngayon dapat na tayong magtipid. Kung sira man ang gripo, yung tipong sarado na ngunit tumutulo pa, palitan na lamang ito kaysa sa pagkakaaksaya ng tubig na hindi naman napapakinabangan.

Bilang karagdagan, magkaroon tayo ng disiplina sa pagtatapon ng basura, SAY NO TO FOGGING at magtipid ng mga bagay na dumaraan sa ating mga mesa.
Iilan lamang ito sa mga magagawa natin sa kapaligiran. Kailangan lamang natin ng disiplina at pagiging matipid sa enerhiya.

Ayos, hindi ba? Hindi ka lamang makatutulong sa kapaligiran, nakatipid ka pa. Kaya dapat kumilos na tayong lahat, lalo na ang mga kabataang tulad natin, na naturingan ni Pepe bilang pag-asa ng bayan.

Yano lamang ang mga bagay na ito. Kahit sinuman sa atin ay may kayang makatulong kay Inang Kalikasan. Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat. Huwag nating patayin ang iisang lugar na bumubuhay sa atin. Huwag nating hayaang matalo tayo ng bangungot na sinasabi ng mga syentipiko. Lumaban tayo, dahil sa bawat kilos na ating gagawin para sa mundo ay siya namang pagbawas ng tsansa ng mabilis na pagwasak ng ating nag-iisang bahay sa sanlibutan.

O anong gusto mo? Dating luma o ngayong bago? Pag-isipan mong maigi.